February 15th, 2005

ASA : A Song

ASA (Adjeng Sarmiento)
(Additional lyrics by Streamline, Arrangement by Adjeng Sarmiento and STREAMLINE)

Heto ako
Nangungulila, tila
Nag-aabang sa wala

Heto ka nanaman
Sumusulyap-sulyap
Ayoko nang kumurap

Inaasam-asam ang iyong labi
Humihiling kahit konting sandali

Umaasang wag ka nang lalayo
Ba't di pakinggan ang tawag ng puso

Heto tayo
Di natin alam
kung paano ipararamdam

Higit sa pagkakaibigan ba ito
O hahayaang tuluyang maglaho?

Inaasam-asam ang iyong labi
Humihiling kahit konting sandali

Umaasang wag ka nang lalayo
Ba't di pakinggan ang tawag ng puso

Ayaw nang papigil ng pusong ito
Huwag ka sanang mawala sa piling ko

Kung aabot ang lahat sa kawalan
Mananatili ka bang kaibigan?

*Written past 3am, February 14, 2005, Gourmet's Cafe,
Tagaytay (Silang, Cavite)
Currently reading: How to read music
Posted by uma_awit at 09:30 PM | 1 comments
« Newer | Older »